ISANG BESES lamang ulit mayroong nangyari kina Luisa at Dylan, hindi na muling nasundan hanggang sa lumipas ang maraming araw. Nagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan na animo ay walang nangyaring kung ano sa pagitan nilang dalawa. They remained friends. At nakatulong ang gabing iyon upang maalis ang guilt na kaniyang nararamdaman noong una silang magtalik ng lalaki at wala itong kamalay-malay noon. Dylan helped her about it. Ilang linggo na ang nakararaan simula ng huli silang magtalik, kinabukasan noon ay walang nagbago sa kanilang pagtuturingan. Samantala, ilang linggo na rin ang nakararaan nang makabalik sina Piper at Liam mula sa honeymoon. Inuwi ni Liam ang nobya sa bagong bahay na binili nito sa Maynila. Lubos na ikinatuwa ito ni Luisa at mas lalong humanga kay Liam dahil sa pagigin

