NANGINGINIG ang buong katawan ni Piper. Halos ayaw niya nang idilat ang kaniyang mga mata dahil sa iisiping susunod na mangyayari sa kaniya. Ang tanging bagay na kaniyang nagagawa ay ang sumigaw at humingi ng tulong kahit na hindi siya sigurado kung may tao bang makaririnig sa kaniya. Basang-basa na ng luha ang kaniyang pisngi at tila pinaghinaan ng loob sa isang iglap. Naramdaman niya na lamang na bumitaw ang dalawang braso ng dalawang lalaki. Ngunit hindi niya nais na imulat ang mga mata. Niyakap niya na lamang ang mga binti at nagsumiksik sa sulok. “Fvck you!” She heard his voice again. Ngunit hindi niya nais imulat ang mga mata dahil tila nahihibang na siya. Hanggang ngayong nasa kapahamakan siya ay minumulto pa rin siya ng bwisit na lalaking iyon. Nakarinig siya ng ilang ingay at k