PINAGMASDAN ni Piper sa kaniyang paligid. Ngayon lamang siya nakarating sa ganitong lugar. Napangiwi ang kaniyang mga labi nang mapatingin siya sa loob ng silid kung saan tanaw niya ang mga tao sa loob dahil sa salamin na pintuan. Ang bagay na nakapagpangiwi sa kaniyang mga labi ay ang ilang pares na magkalapat ang mga labi na animo ay walang tao sa kanilang paligid. Pinamulahan siya ng pisngi at napatingin sa kaniyang harapan. Doon naman ay natanaw niya ang isang lalaking nakatalikod sa kaniyang gawi at isang babae na katabi nito na bahagyang nakatungo na sa ibabaw ng counter. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang dalawa lalo na at tila pamilyar sa kaniya ang bulto ng lalaki. “I’m not drunk, I swear. Just tipsy.” “Really?” Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang boses ng lalaki. Hind