NAGTUNGO si Luisa sa palikuran ng unit ni Dylan. Nagpaalam siya sa lalaki at tango lamang ang itinugon nito. Manghang-mangha siya nang pagpasok pa lamang sa pintuan ay bumungad sa kaniya ang marmol na sahig at magandang disenyo sa loob. Napangiti siya. “Ang sarap naman tumira rito. Mas maganda pa sa kuwarto ko.” Mahina siyang tumawa at lumapit sa lababo kung saan nakadikit sa pader ang napakalaking salamin. Pinagmasdan niya roon ang sarili. Bahagya nang namumula ang magkabilang pisngi nang dahil sa nainom. She touched her cheeks and smiled out of nowhere. Naalala niya ang kabaitan ni Dylan. Talagang napakagaan nitong makasama at maging kaibigan. Hindi ito nakasasawang makasama. Kaagad siyang lumabas ng palikuran pagkatapos ayusin ang sarili at magbawas. Bumalik siya sa sala kung saan naa

