DALAWANG ARAW ang lumipas ngunit hindi bumalik si Liam sa kaniyang tinitirhan. Himbis na kung ano ang maramdaman ay nagpasalamat pa si Piper sa panginoon at tila sumuko na ang lalaki upang sirain ang kaniyang araw. Hapon na nang makauwi siya mula sa lugar kung saan siya nagpa-medical. Sa sobrang takot niya sa karayom ay tila lalagnatin siyang umuwi. Noon pa man kasi ay takot na siyang maturukan ng karayom, ngunit para sa trabaho ay ginawa niya. Lahat ng kaniyang kinatatakutan ay kaniyang haharapin upang makakuha lamang ng trabaho sa Maynila. “Uy! Piper!” Ang kumakaway na si Luisa ang kaniyang nabungaran habang naglalakad siya papalapit sa bahay. May hawak itong palumpon ng bulaklak at dalawang piraso ng paper bags. Ngumiti siya at mas binilisan ang paglalakad. “Hello, anong ginagawa mo