HINDI mapakali si Liam nang tuluyang suriin ng mga doctor si Piper. Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi niya maiwasang mag-alala para rito. Pareho sila ni Luisa na hindi mapakali sa kinauupuan hanggang sa balikan sila ng doctor at sabihing maayos na ang kalagayan ni Piper, bahagya lamang itong nilalagnat at hihintayin na lamang ang resulta ng isinagawang test dito. Saka lamang sila nakahinga nang maluwag. Kaagad nila itong tinungo sa loob ng emergency room, kung saan nakahilera ang mga hospital bed at nasa gawing unahan lamang nakahiga si Piper. Katabi nito ang isang nurse na inaayos ang dextrose na nakatusok sa likod ng palad nito. “Buti naman at ayos na siya.” Napahawak si Luisa sa dibdib. “Talagang pinag-alala niya ako. Sana ay maayos din ang resulta ng test.” Tumango siya bilan