MABIGAT ang talukap ng mga mata ni Piper nang maalimpungatan. Magaan na ang kaniyang pakiramdam kung ikukumpara sa nararamdaman kahapon lamang. Bahagya ring may kalabuan pa ang paningin kaya naman kinusot ang mga mata. Saka niya lamang napansin ang kung anong nasa likuran ng kaniyang palad. “D-dextrose?!” bulalas niya at namilog ang mga mata. Dali-dali niyang inilibot ang mga mata sa buong paligid. Purong puti ang nakikita niyang kulay ng paligid at berdeng nga kurtina. “Good morning.” Napatingin siya sa nagsalita. “Liam?!” Napahawak siya sa kaniyang pisngi at marahan itong tinapik. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Ang huling naalala niya ay nasa bahay silang dalawa ni Luisa at wala ng iba pa. Pinagmasdan niyang muli ang lalaki. Nakatingin lamang ito sa kaniya at may hawak-hawak na