HANGGANG sa sumapit ang gabi ay hindi nagsalita si Piper. Buong oras din namang tahimik si Liam, na ang tanging ginagawa lamang ay asikasuhin siya sa kaniyang pagkain at pagtungo sa palikuran. Kahapon lamang ay nailipat siya sa sariling silid kaya naman, naiilang siyang kasama ito ngayon sa iisang silid. Hindi niya rin maintindihan kung bakit pagkatapos ng kanilang pag-uusap kanina ay nagsimula niyang maramdaman ang pagkakonsensiya sa masasakit na nasabi sa lalaki. Hindi ba at tama lamang iyon sa salbaheng lalaki katulad ni Liam? Bakit niya pinagsisisihan ang mga sinabi ngayon? Idagdag pang, bahagya siyang nasaktan nang sabihin nitong tuluyan nang lalayo ang lalaki. Dapat ay maging masaya na siya sa bagay na iyon. Walang Liam na pabalik-balik sa kanilang bahay at kukulitin siya para makaus