HINDI naman na nagtagal pa si Piper sa hospital at kaagad na itong pinalabas ng doctor. Ngayong araw siya na-discharge. Magaan na ang kaniyang pakiramdam, ngunit magulo pa rin ang isip simula kahapon. Inayos muna niya ang pinaghigaan bago sila magkasabay na lumabas ni Luisa ng kaniyang inokyupang silid. Nakasunod sa kanila ang nurse na nagtanggal ng kaniyang dextrose. “Buti naman at magaling ka na.” Tumango siya. “Kaya nga, ayoko nang magtagal dito. Parang mas lalo akong magkakasakit.” Huminto siya sa paglalakad nang huminto rin si Luisa dahil mayroon itong kinakalkal sa loob ng dalagang sling bag. “Bakit? May problema ba?” Nauna nang maglakad ang nurse paalis. “Wala naman.” Diretso itong tumayo nang makuha ang isang puting envelope sa loob ng bag. “Teka, halika rito.” Inaya siya nito