NAKATINGIN si Dylan sa kawalan habang nakasandal sa pader sa labas ng silid ng kaniyang ama. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung ano ang nagawang kasalanan upang pahirapan ang kaniyang magulang nang ganito. All his life he knew his dad was a good man. Matulungin ito at talagang napakabait. Hinahangaan niya nga ito sa lahat ng kabutihang ginagawa kaya naman lumaki siyang kaugali ang ama. He wanted to be a nice man as his dad. He wanted to be good as him. Marami-rami na ang natulungan ng kaniyang ama, halos hindi na ito mabilang sa darili. Subalit ika nga nila, hindi mo kailangang bilangin ang lahat ng kabutihan mong nagawa. Hindi dahil tumulong ka, nagpakabait ay ligtas ka na sa mahihirap na pagsubok ng panginoon. You still need to take the challenges to become better and learn new things.

