“HINDI ka ba uuwi ngayon sa unit ni Dylan?” tanong ni Piper habang pinagmamasdan ang nobyong magligpit ng kanilang pinagkainan sa hapunang ito. Napaisip lamang siya dahil nagdala ito ng ekstrang masusuot ngayong gabi na hindi naman madalas nitong gawain. Liam nodded. “Dylan will stay on the hospital, that’s why.” Ipinatong nito ang huling kutsara sa pinagpatong-patong na mga gamit na plato. Sinimulan nitong dalhin ang mga iyon sa lababo at hinugasan. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa ginagawa nito, dahil nagprisinta ang lalaki na ito na ang maghuhugas. Datapwat kilala niya naman itong hindi ginagawa ang mga gawaing iyon ay pinayagan niya na lamang. Kaya nga lamang ay naninibago siya. Pumangalumbaba siya sa lamesa at pinagmasdan ang likuran nito mula sa lababo. “Liam, alam kong may

