Chapter 82

1390 Words

Isang linggo makaraan… HUMINGA nang malalim si Dylan habang pinagmamasdan ang hukay ng puntod ng kaniyang ama, kung saan unti-unti nang ibinababa ang kabaong nito upang tabunan. Sunod-sunod ang mga luhang naglalandas sa kaniyang pisngi. Ngayong araw ang libing ng kaniyang ama, isang linggo rin itong naiburol dahil hinintay pa niyang makauwi sa Pilipinas ang kaniyang ina, na mas inuna pang tapusin ang trabaho kaysa damayan siya sa pagluluksa sa yumaong ama. Nanikip nang matindi ang kaniyang dibdib. Ilang araw na rin siyang walang tulog dahil sa sobrang pagkasabik na makasamang muli ang ama. Kung mabibigyan nga lamang siya ng pagkakataon, nais niyang mayakap itong muli at makasama nang mas mahaba pang panahon. Lubos siyang nabigla sa biglaang paglisan nito. Totoo nga naman ang kasabihan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD