SA PAGMULAT ng mga mat ani Piper ay si Liam ang kaniyang nabungaran. Datapwat Malabo pa nang bahagya ang kaniyang paningin ay kaagad niya nang nakilala ang nobyo. “Liam…” mahinang boses niyang tawag dito. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at saka muling dumilat. Doon niya nakitang titig na titig ito sa kaniya na animo hindi na nais alisin ang titig sa kaniya dahil baka sa susunod ay tuluyan na silang hindi magkita. Kung mangyayari iyon ay hinding-hindi na kakayanin pa ni Liam. Pinunasan ng lalaki ang mga luhang sunod-sunod na umaagos sa magkabilang pisngi. “Oh, God, thank you so much.” Tumayo si Liam mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at pinihit ang isang buton sa pader upang tumawag ng nurse. Ilang minuto lamang ay mayroong pumasok at kaagad siyang tinignan. “Ayos na siya.” Ngumit

