KAAGAD NA nakarating sa mga magulang ni Piper ang nangyari sa dalaga maging sa ilan pang mga taong nagmamahal kay Piper mula sa Hacienda Villarama, kaya naman nagmamadali ang mga ito na nagtungo sa Maynila. Binigyan ni Donya Anatasia ang mag-asawang Antoliin ng agarang masasakyan upang hindi na mag-commute. Hindi magtatagal ay makararating na ang mga ito kaagad sa kinaroroonang hospital ng anak. Samantala, mula sa labas ng silid naman ni Dylan ay nagbabantay si Luisa, kausap nito si Don Alejandro na hindi magawang iwan ang binatilyo sapagkat batid nito ang kasalukuyang pinagdadaanan. Dylan needed someone that can help him win his current battle, and Don Alejandro was with him to help him; dahil anak na rin ang turing nito sa kaniya. Nakatulala lamang si Dylan sa kawalan habang nanatiling

