MULA sa salaming bintana ng pintuan ng silid ni Piper ay nakatanaw si Liam. Tila siya nananaginip sa mabilis na paghupa ng lahat ng kaniyang nararamdaman. Limang oras na ang nakararaan simula nang maisalba ang nobya sa kamuntik ng malagim na kamatayan sa kamay ng isang masamang tao, na hanggang ngayon ay hindi pa nila. Ang matinding kaba, pag-aalala at kung ano-ano pang nararamdaman niya kanina lamang ay kaagad na naglaho nang ipahayag ng doctor na nasa maayos nang kalagayan si Piper. Kaagad itong nasalinan ng dugo at naoperahan. Umayon ang lahat gaya ng ipinanalangin ni Liam. He had been so grateful that God listed to his prayers. Ngayon ay talagang nagpapasalamat siya sa itaas, na ang buong akala niya noon ay hindi siya pinakikinggan. Is just that, it happened that his mom died early, he

