SUNOD-SUNOD na putukan ng baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. Kaagad na sinugod ng mga pulis ang gitnang bahagi ng tambakan ng mga gamit na container van. Maigi na lamang at isang lalaki lamang ang nakaingkwentro ng mga awtoridad. Nang tamaan ito sag awing balikat ay kaagad na bumagsak sa sahig. Doon ay sinimulan nang hanapin ng mga pulis si Piper, ngunit matindi pa rin ang pag-iingat ng mga ito, dahil maaring ano mang oras ay mayroong sumulpot at muling magkaputukan. Ngunit hanggang sa masakop ng pulisya ang buong lote ay wala nang iba pa ang lumutang. Nang masiguro ang kaligtasan ay kaagad pinayagang pumasok sina Liam at ang iba niyang kasamahan. “Piper…” bulong ni Liam sa pangalan ng nobya at dali-daling hinanap ang nobya, kasama si Luisa. Samantalang binabantayan naman sila ng ilan

