“MOM, it’s nice to see you again.” Niyakap ni Dylan ang ina nang pagbuksan sila nito ng pintuan. Kasama niya si Luisa, na minsan na ring nakilala ng ina sa Maynila at kaagad na tinuring kapamilya. Napakagaan ng pagtanggap ng ina ni Dylan sa babae, na labis ikinatuwa ni Luisa. Kahit papaano, minsan sa buhay nito, ay nakatagpo ng mga taong tinuri ito bilang pamilya at isang anak. “Kamusta po?” Nang magbitaw sila ay isa-isa niyang inilapag sa ibabaw ng kahoy na lamesa ang kaniyang mga pinamili para rito. “Aba, ayos na ayos lang, Anak. Maigi at nakabalik ka rito sa hacienda.” Tumingin ang ginang sa kasama niyang dalaga. “Aba at kasama mo pa si Luisa. Ang napakagandang dalaga.” Napangiti si Luisa. “Hindi naman po, Tita.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa pisngi at iniipit sa

