ISANG LINGGO rin tatagal sa hacienda si Luisa kaya naman napakarami niyang damit na dinala. Tiyak naman siyang hindi lahat magagamit ang mga iyon, kaya nga lamang ay nais niyang mayroong pagpipilian sa kaniyang mga susuotin sa araw-araw. Mahilig kasi siyang pumorma kahit na hindi naman gaano kamahalan ang kaniyang bili sa mga sinusuot na damit. “Dito po, Ma’am Luisa ang silid n’yo.” Nilingon niya ang kasambahay ng hacienda na kaniyang sinundan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pinasasunod siya rito ni Donya Anastasia pagkatapos makipagkwentuhan sa kaniya ng ilang minuto. Nauna kasing umakyat si Dylan sa itaas dahil antok na antok na ito. Naiintindihan niya naman iyon kaya hinayaan na ito. Hindi rin naman siya nainip dahil hindi siya pinabayaan ng mga tao sa loob; kinakausap siya ng

