Agad na lumabas sina Astrid at Aillard sa sasakyan at saka sumunod sa dalawang doktor na kanina pa naglalampungan sa harap nila. Hindi alam ni Astrid kung ipagpasalamat niya na sanay na siya na makitang naglalampungan o naghaharutan sa harapan niya ang mag-asawang Dra. at Dr. Velasquez, pero si Aillard na nasa tabi niya ay halata sa mukha nito ang pagngiwi dahil sa nakikita nito. "They're aged but their relationship and the spark is still there," Aillard stated. Astrid smiled and agreed. Tama ang lalaki dahil kung titingnan ang mag-asawa sa harapan nila ay wala pa rin nagbago sa pagsasamahan ng mga ito. The sweetness, care, love, spark- everything was there and present. "Ganyan din kaya tayo sa hinaharap? Pagkalipas ng maraming taon?" Hindi niya mapigilan na tanong sa lalaki habang patu