Malawak ang pagkakangiti ni Astrid, hindi maipagkakaila na sobrang saya niya. Magkahawak ang mga kamay nila ni Aillard na tinungo nila ang entrance ng Hospital. Nagtataka siya kung bakit sunod-sunod ang pagdating ng mga ambulansya, pero dahil natural na iyon sa Hospital ang pagdating ng mga ambulansya sakay ang mga pasyente ay hindi na siya nag-abala pa. Ngunit hindi inaasahan ni Astrid ang naabutan nila pagpasok na pagpasok pa lang nila sa Hospital. Gulat at panghihina ang nararamdaman niya pagkatapak na pagtapak pa lang nila ni Aillard sa loob. Ang ngiti niya sa labi ay unti-unting nawala at napalitan iyon ng takot hanggang sa unti-unting nagiging blanko ang isipan niya pero pilit niya iyon nilalabanan. This is not the right time for that. She's in the hospital and seeing something li