Hindi alam ni Aillard ang gagawin niya ng makita niya ang mukha ng kasintahan niya na walang kahit na anong emosyon at maputla. Ilang beses niya itong tinatawag pero wala siyang nakuhang kahit anong reaksyon. "Hey, Astrid. Baby, come on. Talk to me.Astrid, please… talk to me… you’re making me worried…" May pangungusap na sambit niya kay Astrid. Sobrang nag-aalala na siya sa kinikilos at ipinapakita nito sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kasintahan niya. Ngayon lang niya nakita na ganito ang babae at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niya gawin. "Astrid." Nag-aalala na tawag niya sa pangalan nito. Halos alugin na ni Aillard ang katawan ni Astrid para lang bumalik ito sa sarili nito pero nanatiling blanko ang mukha nito at tila ba na ibang Astrid ang nasa harapan ni