Inaayos ni Astrid ang mga baby clothes sa bag na dadalhin nila sa Hospital kapag manganganak na siya. Lahat ng kailangan niya kapag nanganak siya ay handa na tanging ang hinihintay na lamang nila ay ang araw ng panganganak niya. “Mommy can’t wait to see you and hold you..” Ani Astrid habang marahan na hinihimas ang tiyan niya. Napatingin si Astrid sa pinto ng may kumatok doon. “Ma’am Astrid?” Rinig niyang tawag ni Yaya Ysabel mula sa kabilang panig ng pinto. Tumayo siya saka naglakad palapit sa pinto at binuksan iyon. “Ano iyon, Ysabel?” “Nasa labas po ang si Ma’am Avalon at Dr. Liam.” Anito. Tumango siya. “Sige pakisabi na bababa na ako.” Aniya. Aalis na sana ito ng tawagin niya ito. “Ahh… Ysabel nakita mo ba kung nasaan ang Sir Aillard mo?” “Opo, Ma’am. Nasa kusina po si S