Hindi mapakali si Aillard sa labas ng operating room. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung ayos lang ba sa loob ang mag-iina niya. He couldn’t stop worrying if Astrid was doing fine. “Papa Aillard!” Hiyaw ni Mia ng dumating ito. Sinalubong niya ang anak at binuhat ito saka mahigpit na niyakap animo doon siya kumukuha ng lakas sa anak. “How’s Mama?” Mia asked him. “Ayos lang ba sila ni little brother?” Tumango siya saka tiningnan ang pinto ng operating room. “Mama Astrid and your little brother will be fine. They will be.” Aniya na tila ba sinasabi niya iyon sa sarili niya. “Aillard!” It was Mom, running towards them with his father. Hinihingal na huminto ito sa harapan nila. “How’s Astrid? Ayos lang ba sila ng apo ko?” “She’ll be okay, Mom.” Aniya habang hindi inaalis ang tin