CARSON “ARE you okay? Kanina ka pa tahimik,” sita ni Kira sa akin matapos naming lumabas ng ospital. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan at pabalik na sa Batangas. “Ayos lang ako. Ikaw, ayos ka lang bang magmaneho pabalik ng Batangas? Baka naman masyado ka nang napapagod.“ “Huwag mo akong intindihin. Malakas naman ako at walang sakit. Kaya ko pa nga magmaneho hanggang Bicol, eh,” pabirong turan nito. “Ikaw talaga,” wika ko saka iyon sinundan nang isang mahinang tawa. “But seriously, how are you? Anong pinag-usapan n'yo kanina ni Avery? Is it that bad?“ usisa nito. Humugot ako nang isang malalim na hininga saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa aking kapatid ang sitwasyon. Parang wala pa akong lakas na pag-usapan ang tungkol