CARSON ILANG araw rin akong nagtiis nang walang kahit anong impormasyon tungkol kay Connor. Hindi ko kabisado ang numero nito kaya hindi ko ito matawagan. Bukod pa roon ay labis din ang pag-iingat namin upang maiwasang malaman ng aming mga kalaban ang tungkol sa kinaroroonan ko ngayon. Kailangan naming maging maingat upang tuluyan naming mapanagot ang mga taong nagkasala sa amin. Napabalikwas ako ng tayo nang makarinig ako nang pagparada ng sasakyan sa labas ng rest house. Kasalukuyan akong nasa living room at nag-iisip nang kung anong puwedeng pagkaabalahan. Agad akong lumabas upang salubungin si Kira. Siguradong ang kapatid ko ang dumating dahil wala namang ibang maaaring dumalaw sa akin bukod sa doktor at kay Kira. Hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko si Kira pababa ng kaniyang sasak