CARSON TAHIMIK kaming kumakain ng hapunan. Si Connor ang nakaupo sa power seat habang ako naman ay nasa kanang bahagi niya at katabi si Angela. Tanging tunog ng mga kubyertos ang maririnig sa loob ng dining area. Panaka-naka akong sumusulyap kay Connor ngunit mabilis ko ring iniiwas ang aking tingin sa tuwing magagawi ang kaniyang mga mata sa aking banda. It was awkward but silent dinner. Si Angela lamang ang walang kaalam-alam sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa ni Connor. There was something about what he said a while ago that makes me wonder about his real intention. "Ate Carson, papasok nga po pala ako sa school bukas," basag ni Angela sa katahimikan. Laking pasalamat ko sa kaniyang ginawa dahil kahit paano ay naibsan ang pagkailang sa pagitan naming dalawa. "Oh, sige. I