CARSON SPG-MATURE CONTENT IGINALA ko ang aking tingin sa paligid ng entertainment room. Habang abala si Connor sa paghahanda ng aming panonoorin ay minabuti ko munang magmamasid-masid habang hinihintay itong matapos. Malawak at sadyang napakaganda ng silid na iyon. Mayroong tatlong hilera ng single-seater na recliner chair na mistulang hawig ng mga massage chair na makikita kadalasan na naka-display sa mga mall. Sa may pinakaunahan na malapit sa screen ay may isang malaking recliner chair na pangdalawahan. Mayroon ding apat na pahabang speaker na nakasabit sa apat na sulok ng silid. Habang sa harap ang naroon ang isang malaking puting tela na karaniwan mong makikita sa loob ng sinehan. Kung titingnan mong mabuti ay parang isang eksaktong replika ng sinehan ang loob ng silid na iyon. "