CARSON "WOW! Ate, ang ganda ng bahay ni Sir Connor," pabulong na turan ni Angela nang makababa kami sa elevator. Nakaawang ang bibig nito habang pinagmamasdang mabuti ang kabuuan ng bahay ng tinitirhan ni Connor. "Dito tayo titira ate?" nakangiting tanong nito. Mahina akong natawa. "Hindi. Dito lang muna tayo pansamantala habang naghahanap ako nang matitirhan natin." "Sayang naman," nakangusong turan nito. "Akala ko dito na tayo titira. Sobrang ganda pa naman dito," komento pa nito. Mahina akong natawa saka ginulo ang kaniyang buhok. Nakasimangot naman nitong tinanggal ang aking kamay mula sa kaniyang ulo. "We're just going to stay here for the night. Then tomorrow, we're going to my house." Sabay kaming napalingon ni Angela sa gawi ni Connor nang marinig namin itong magsalita. S