CARSON NANG makababa ako sa lobby ay agad kong natanaw ang kapatid na tinutukoy ni Tessa. Kasalukuyang nakaupo si Angela sa mahabang sofa na nasa may gilid ng lobby ng gusali. Agad na tumayo si Angela mula sa pagkakaupo nang matanaw niya akong naglalakad papalapit sa kaniya. "Oh, Angela! What are doing here?" masigla at nakangiting bati ko rito. This child has been nothing but good to me since I wake up. I feel like I owe something to here. Mabilis na napalis ang ngiti sa aking labi nang bigla na lamang niya akong niyakap at sumubsob sa aking dibdib. Naramdaman ko ang marahang pag-alon ng kaniyang balikat kasabay nang mahinang paghikbi. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka at lumukso ang aking puso dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Pakiramdam ko ay may hindi tama. Sa ilang beses