Narrator’s Point of View Napaubo sa sobrang sakit si Leo. Halos mawalan na ito ng malay dahil sa sunod-sunod na suntok na natamo nito mula sa ibang kandidato. Ramdam niya ang panginginit ng gilid ng bawat sulok ng mga mata niya. Nalalasahan din niya ang mala-kalawang na lasa ng likidong lumalabas mula sa pmutok niyang labi. Gustong-gusto niyang manlaban pero hindi niya magawa dahil mahigpit siyang hinahawakan ng isang kandidato. “Leo!” Pilit niyang hinahanap ang pinagmumulan ng sigaw na ‘yon, ngunit hindi na niya ito mahagilap. Pumapalya na ang kanyang pandinig dahil ramdam niyang ilang suntok pa ay tuluyan na siyang mawawalan ng malay. Hindi na rin niya makita ang paligid dahil sa namamaga niyang mga mata. Muli ay bumalk sa kanya ang pakiramdam na wala siyang kalaban-laban. Bu

