Napatingin ako sa aking mga kamay na ngayon ay nanginginig na habang may bahid ng dugong tumalsik mula sa mga candidate na pinaslang ko. Hindi ako makagalaw. Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang nagawa ko. Agad kong hinagilap si Amara at nakita siyang nakatingin lang sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata at bahagyang nakaawang ang kanyang bibig. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. May kung anong bumabara sa lalamunan ko. At may bahid din ng takot at pagsisisi sa kaloob-looban ko na unti-unting kumakalat sa aking sistema. Bumalik ang atensyon ko sa aking duguang mga kamay bago ako napaluhod sa lupa dahil sa labis na panghihina. Mabilis kong ipinunas sa aking suot ang aking mga kamay upang mawala ang bahid ng dugo sa aking balat. Paulit-ulit ko ‘yong ipinunas hanggang sa ma

