Tulalang pinagmamasdan ni Saia ang mga pictures na kinuha ni Rose kanina mula sa dalawang board sa labas. Nasa kwarto niya silang dalawa. Si Naddie naman ay isinama ng nanay niya na maglako. Hindi niya alam kung anong klaseng surprise ba dapat yung kanina. Pagkaalis kasi ni Duke ay umiyak lang siya nang umiyak. Ilang sandali pa ay lumapit na rin sina Rose kasama ang nanay niya at si Naddie. Ni hindi siya makapagsalita dahik sa sobrang pag-iyak. Hanggang sa ipasok siya sa bahay ay umiiyak pa rin siya kaya minabuti ng nanay niyang isama na lang muna si Naddie at hayaan siya at si Rose doon. Narinig niyang bumuntong-hininga si Rose na nakaupo sa sahig. Hawak-hawak nito ang ibang pictures habang siya ay nasa kama at naka-indian sit. "First love mo si Duke no?" Rinig niyang tanong ni Rose.