Naalimpungatan si Saia nang may tumamang ilaw sa kanyang mukha. Kinusot niya ang kanyang mata at akmang babangon na sana nang maramdaman niyang may parang nakadantay sa kanyang hita at bewang. Agad na kumunot ang noo niya lalo pa at naramdaman niyang may nakatitig sa kanya. "Morning…" Dinig niyang sambit ng isang boses. Agad siyang napadilat nang marinig iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Duke. Mabilis siyang bumangon at saka umupo ng kama. Sumunod din ng upo si Duke. Nakakunot ang noo nito sa kanya. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang unti-unting bumabalik sa kanya ang nangyari kagabi. Mabilis niyang tiningnan ang loob ng comforter pero yung damit niya kagabi ay nandoon pa rin naman. Nakahinga siya nang maluw