Maraming klaseng pagmamahal sa buhay. May pagmamahal sa pamilya, sa kaibigan at sa isang espesyal na tao. Marami ring paraan ng pagmamahal. May iba sa pamamagitan salita, iba naman sa gawa. Pero ano nga ba ang sukatan at basehan kung gaano mo kamahal ang isang tao? At ano nga ba ang dapat na gawin para masabing tama ang pagmamahal mo? May tama nga ba o mali? May ibang mga taong naghihintay para sa kanilang true love. May iba namang madaling nahanap ang mga iyon. May ibanh nagtatagal at may ibang maikli lang din. Pero kahit na magkaiba sila, hindi mo pa rin basta-bastang masasabi kung ano ang quality ng pagmamahal nila sa isa't isa dahil ang tanging makaka-label noon ay ang dalawang taong nasa relasyon. Maaaring magkaiba ang kanilang pamamaraan at klase ng pagmamahal na ipinapakita, pero