Pabagsak na umupo si Saia sa monoblock na nakapwesto sa harapan ng paninda nila. Tiningnan niya si Naddie na nakikipaglaro na naman kay Duke. Bumuga siya ng hininga at napairap na lang. Ipinagkuros niya ang kanyang mga braso at napapikit na lang. "Hoy, okay ka lang te?" Rinig niyang tanong ni Rose. Hindi siya dumilat. Sa halip ay bumuntong-hininga lang siya. Napaigtad pa siya nang bahagya siyang sipain ni Rose. Agad niya itong sinamaan ng ngiti. "Bakit?" tanong nito. Umirap ulit siya at bumuntong-hininga. Magsasalita na sana siya pero biglang umurong ang dila niya. Nasapo niya na lang ang kanyang noo at napayuko. 'Bakit kasi ayaw mawala noon sa isip ko?! Ugh! Kainis!' Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi kay Rose ang nangyari