The next weekend, in Lights Out house. Nagtipon-tipon ang buong banda sa sala ng kanilang bahay. It's another free weekend for them. The weekdays were hell. Pinagmamadali na sila ni Dee kaya napi-pressure na rin ang mga talents na tapusin ang challenge. Palapit na palapit na ang evaluation at hindi lang ang performance ng mga talents ang pino-problema ng banda dahil pati sila ay pini-pressure ni Dee na gumawa ng bago nilang kanta para makapag-release din sila ng isang unseen song sa finals. Napasalampak si Maena sa pang-isahang couch. Nasa mahabang couch na nasa tapat niya naman si Kiarra. Wala ang mga lalaki at hindi nila alam kung nasaan ang mga ito. Ngumuso si Maena. "I cannot believe what Dee is asking us! Seriously, Kiar? She wants us to make a nee freaking song in the middle o