Chapter 21

1786 Words

Linggo. Huling araw ng free day ng mga trainees. Isang himala at maagang nagising si Saia. Kasisikat pa nga lang ng araw nang bumangon siya. Agad niyang tiningnan ang wall clock ng kwarto. Ang sabi roon ay 5:30 na ng umaga. Nagkibit-balikat siya at saka tuluyang umalis na ng kama. Nang lumabas siya ng kwarto at tinanaw ang ibaba ng bahay ay sobrang tahimik pa noon. Pinakiramdaman din niya ang mga kwarto nina Courtney at Ericka pero wala namang nag-iingay. Nagkibit-balikat lang ulit siya. "Aba't himala. Hindi yata sila maagang nagising," nasambit niya sa sarili. Bumalik siya sa kanyang kwarto at saka muling umupo sa kama. Tiningnan niya ang labas at tila hinihikayat siya ng magandang sikat ng araw para kumilos at maging productive naman. Tumayo siya at lumapit sa kanyang kabinet.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD