Tiningnan ni Saia ang buong paligid habang nanatiling nakatayo ilang metro lang ang layo kay Duke. Something in her brain is telling her to just get in the house and get the sleep that she needs pero sa hindi malamang dahilan ay nanatili siya roon na nakatitig kay Duke. Seryosong seryoso pa rin itong nakatingin sa music sheet na hawak. Nagsusulat ito tapos maya maya pa ay tutugtog naman ito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa lalaki. Hindi ito nagbago. Ganoong ganoon pa rin ang mukha nito kapag seryoso. Naalala niya noon kapag gumagawa sila ng kanta. Talagang hindi ito nagpapadistorbo lalo pa kung nagmamadali ito at mahalaga iyong sinusulat nito. Bahagya rin siyang napatitig sa guitar na hawak nito. Umawang ang kanyang labi nang mapagtantong iyon pa iyong pinakaunang guitar nito noon.