Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Saia habang nakatitig sa bilog na buwan na nagsisilbing ilaw nila mula sa labas. Hindi niya alam kung anong oras na ng gabi. Kanina pa dapat sila tulog pero hindi niya alam kung bakit hindi siya dinadalawa ng antok. Sobrang tahimik ng gabi. Tanging ang paghinga lang nila ni Duke ang kanyang naririnig. Bumuntong-hininga siya at inayos ang pagkakaunan sa dibdib ng lalaki. Naramdaman niya rin ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang bewang. Nakabukas ang kanyang bintana at dahil nasa may bintana ang kanyabg kama ay ramdam na ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat. Naramdaman niyang gumalaw ang mga hita ni Duke sa ilalim ng kumot. Dumantay ang mga iyon sa kanyang hita. Hinapit din siya nito na halos maipit na siya sa sobrang hig