Bahagyang napaigtad si Saia at Duke nang kumalabog ang pinto ng kwarto. Agad pang napabangon si Saia at napatingin sa katabing kusot-kusot ang mga mata at halatang inis na inis pa. Kumalabog ulit ang pinto. Sobrang lakas noon na animo'y sisirain na iyon kapag hindi pa binuksan. "Duke! Duke open the door! Duke!" Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Saia at hinarap si Duke. Nalaglag ang kanyang panga. Kilala niya ang boses na iyon! Kilalang kilala niya. Mabilis ba nagharumentado ang kanyang dibdib. Niyugyog niya si Duke. "Hoy, anong gagawin natin?!" pabulong niyang sambit. Nagkamot ng ulo si Duke at inis pang bumangon. "Duke-" Hindi na nita natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong halikan. Agad siyang natahimik pero agad din itong tinulak palayo. "Duke! Sina Kiarra!" Pinanl