"Saia!" Muntikan nang mapatalon si Saia nang biglang sumulpot sa kanyang harapan sina Courtney at Ericka. "Hoy! Saan ka ba nangggaling!" Agad siyang hinila ni Courtney at niyakap. Napatulala na lamang siya at napayakap na rin dito. Tiningnan niya si Ericka na nakatayo sa likuran ni Courtney. Nakahalukipkip ito at nasa likuran din nito sina Kiarra at Maena. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Bahagya niyang tinulak si Courtney para kumalas sa yakap. "Ano ka ba naman! Saan ka galing?! Kanina pa kaya kami naghahanap sa'yo!" Si Courtney. Yumuko siya. "Oo nga naman, Saia. Binulabog pa namin ang Lights Out dahil akala namin nawala ka," dagdag pa ni Ericka. Nakagat niya na lang ang kanyang labi at napabuntong-hininga. "Sorry. Nagpahangin lang naman ako. Maaga kasi akong nagising," p