"Insan! Sama ka ulit sa palengke? Sama lang natin si Naddie! Sabi ni tiyang kasi nagmumukmok ka na lang dito." Huminto sa pagtutupi ng mga damit si Saia at tiningnan ang pinsan niyang si Rose na nakatayo sa may hamba ng kanilang pinto. Bumuntong-hininga siya at hindi sumagot. Ipinagpatuloy niya lang ang pagtutupi ng mga damit. Narinig niya ang mga yapak ng pinsan na palapit sa kanya. Tumabi ito sa kanya. "Alam mo, insan. Hindi mabuti yang nagmumukmok ka rito. Pati si Naddie. Ano ka na naman. Napaka-introvert niyang anak mo, o," sabi pa nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at inilagay sa mga naka-arrange na damit ang tinupi niya. Kumuha siya ulit ng isang damit. "Alam mo naman ang kondisyon ni Naddie, Rose," aniya ritom Bumuntong - hininga ang kanyang pinsan. "Hindi ko nama