Isang maaliwalas na umaga ang bumungad kay Saia kinabukasan. Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang bumangon para hindi magising si Naddie na nahihimbing pa sa kanyang tabi. Kinuha niya ang kanyang cellphoene sa tabi. Alas sais pa lang ng umaga. Muli niyang nilingon ang anak na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang buhok nito at saka marahang hinalikan ito sa noo. "Mahal na mahal ka ni mama, anak," bulong niya at saka ito niyakap. Huminga siya nang malalim at pinakiramdaman ang paghinga nito. Napangiti siya. Just the mere presence of her daughter calms her. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon. Gumalaw lang siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. Bumangon siya at nilingon ang pinto. Bumungad sa kanya ang k