"Sinong anak ko, Saia? Sino?" mariing tanong ni Duke. Agad na napaatras si Saia. Pakiramdam niya ay lalabas na nga sa kanyang dibdib ang puso niya sa sobrang pagahharumentado nito. Matalim at nakakunot na nakatitig si Duke sa kanya. Lumunok siya at mas hinigpitan ang kapit kay Naddie. "Mama?" mahinang tanong ng anak niya. Agad na dumako ang tingin ni Duke sa likod niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot at muling napaatras. "Nay! Nay!" nanginginig ang boses na sigaw niya. "O, bakit-" Hindi na natapos ng ina ang dapat na sasabihin dahil agad siyang humarap dito at itinulak si Naddie papunta rito. "Ipasok niyo si Naddie. Wag niyong palabasin!" "Ha? Bakit? Ano bang nangyayari? Sino-" "Basta!" Tinulak niya ulit ang ina papasok at saka madaling sinara ang kanilang pintong gawa