Chapter 3

1192 Words
Kinahapunan, nagdagsaan ang mga estudyante ng Auxin sa auditorium kung saan magaganap ang audition. Palihim na pumuslit si Saia roon. Parang tanga pa siyanh naka-cap at jacket nang pumasok sa auditorium. Nilinga niya ang paligid at pumwesto siya sa may bandang kanan, sa sulok. Nasa pinakaharap ang mahabang lamesa ng mga judges. May nakalaang space sa harap noon bago ang barricade na inilagay para hindi mahalo ang mga naghihintay sa mga kasalukuyang nag-o-audition. Napakunot pa ang noo ni Saia nang makita ang set up. Bakit naman kaya open na open ang audition? Kitang kita ng mga nag-aabang ang kalalabasan ng mga auditionees. Napailing na lang siya. Ilang minuto pa ay nagdagsaan na ang mga nagparegister. Isa isa silang binigyan ng numbers tapoa ay pinaupo sa mga upuan nakalatag para sa mga naghihintay. She tried her best not to be noticed dahil baka paalisin siya pag nalamang hindi pa siya mag-o-audition. Umatras siya sa at bahagyang nagtago sa madilim na parte. May mga kasama rin naman siyang mga nakatayo. Some are the profs of Auxin, others are the staffs. Mabilis na napuno ang buong auditorium. Ikinalat niya pa ang paningin para hanapin sina Courtney at Ericka. Nakita niya ang mga iyon sa pangalawang row sa bandang kaliwang bahagi ng hall. Napailing siya nang makitang halos maging kiti-kiti ang dalawa na nakatingin sa stage. Nilingon niya iyon at ganoon na lamang ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang makitang isa-isang pumasok ang mga members ng lights out at umupo sa mga nakahilerang upuan. Agad na napuno ng tilian ang buong auditorium. "Sound check. Mic check, 1,2." Dinig niyang sabi nong isang staff na nasa gilid. "Good afternoon, Auxin!" wika nito sa mic na mas nagpaingay sa buong audience. "This is the moment that we've all been waiting for! The start of the ANH's first ever Music Camp Audition! Are you all ready?!" Humiyaw ang mga auditionees. "Very well, then! Let us not waste any secons and let's start this audition already! Let us start by introducing our fabulous board of judges. I know you love them!" Nagsigawan ulit ang mga audience. Pinilit niyang huwag tumingin sa mahabang lamesa at pinanatili ang mata sa mga auditionees. "We are so blessed to have them here. The one and only Asia's Golden Band, please welcome Lights Out!" Nadagdagan ng palakpakan ang mga hiyawan kanina. Napayuko si Saia at humalukipkip. "Introducing Maena, Kiarra, Phil, Kein and the one and only master of all bands Duke!" She almost flinched upon hearing their names. Napapikit siya at napayakap sa sarili. She cleared her throat and slowly looked at the front stage. Panay ang kaway ng dalawang babae habang nakaupo. Iyong tatlong lalaki naman ay nag-uusap. Ina-arrange na ng mga staff iyong mga mic stand at iba pang kakailanganin. Saia's eyes settled on him. Nakagat niya ang labi. Kitang kita niya ang seryoso nitong mga tingin sa lalaking unang tumapak sa harap ng mga ito. 'He's still the same. So passionate.' The gusy started singing. Naka-concentrate naman ang mga judges dito. Ang ibang auditionees ay manghang mangha pa sa pagkanta noong lalaki. She looked at him again. Seryoso itong nakatingin at nakikinig sa lalaki habang hawak sa kanang kamay ang isang ballpen. He would constantly write on his paper then looks at the guy again. Nang matapos ang kanta ay pinalapit ang lalaki sa judges. Napakunot noo si Saia. Seems like ang feedback ay personal na ibinibigay. Tumango tango siya. Mabuti naman. Binaling niya ulit ang tingin niya sa judges at ganoon na lang ang paninigas niya nang makita ang mga ngiting halos apat na taon niya yatang hindi nakita. She bit her lip and immediately left the auditorium. She cursed under her breath. Mabilis siyang pumasok sa comfort room na nasa likod lang ng auditorium. Humihingal na itinukod niya ang dalawang kamay sa sink at tumingin sa ibaba. She cannot believe it. She just saw him smile and then nagkaganito na siya! Mariin siyang umiling nang biglang may pagkirot sa kanyang puso. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at diniinan ang pagkakatukod sa sink. She heard the door creeked, but she did not mind it. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaganoon. Nang pakiramdam niya ay okay na siya ay nag-angat din naman siya ng tingin. She saw a girl going out of a cubicle from the mirror that she was facing. Babalewalain niya lang sana iyon pero nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala iyon. She was so stunned that she was not able to move a finger. Lumapit ang babae sa sink at naghugas ng kamay. Inayos nito ang suot na mga bangles tsaka humarap sa salamin. Noong una ay hindi siya nito pansin, pero naramdaman yata nito ang kanyang mga titig kaya napatingin ito sa kanya. Kung anong gulat niya kanina ay mas dumoble pa sa babae. Para itong nakakita ng multo. Pareho silang nanigas at natulala sa isa't isa. "S-S-" Hindi na niya pinatapos ang babae at agad na siyang tumakbo palabas ng cr. Para siyang hinahabol ng kung ano habang tinatakbo niya ang kahabaan ng field sa Auxin. Palinga linga pa siya na tila may tinataguan at panay ang mura sa kanyang sarili. Nang makalayo ay bahagya siyang tumigil sa pagtakbo ngunit mabilis pa rin ang kanyang mga hakbang. "Saia?" "f**k!" malutong niyang mura at agad na napatigil. Kunot na kunot naman ang mga noo nina Courtney at Ericka sa kanya. "Okay ka lang?" tanong ni Courtney na may hawak na pagkain. Sunod-sunod siyang tumango at huminga nang malalim. "Saan ka pupunta at saan ka galing? Para kang hinahabol,a," komento ni Ericka. "Uhm n-nothing may pinuntahan lang," palusot niya at agad na nag-iwas ng tingin. Ramdam na ramdam pa rin niya ang mga weird na tingin nina Courtney at Ericka. "Gusto mo sumama sa auditorium? Pwede namana daw audience." "No!" mabilis at malakas niyang agap na mas ikinakunot ng mga noo nina Courtney. "Okay…" Weird na tumingin sa kanya si Ericka. She shook her head. "I gotta go. Goodluck sa audition." Hindi na niya hinintay pang sumagot ang dalawa at umalis na lang doon. Hingal na hingal siyang dumating sa kanilang dorm. Pabagsak siyang humiga sa kama at napatitig sa kisame. Kiarra saw her! Malutong siyang napapamura. Pero bakit nga ba? Ano naman kung nakit siya nito. Mag-o-audition siya sa third day. For sure na magkikita sila. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pagkuwan ay dumilat din siya agad at inabot ang isang box na nasa ilalim ng kanyang kama. Nag-indian sit siya sa kama at kinuha iyong box. Binuksan niya iyon at isa isang tiningnan ang mga pictures na naroon. She smiled bitterly. It is a memory box. Lahat ng pictures, letter at iba pang ibinibigay sa kanya ay tinatago niya roon. Kinagat niya ang labi. She slowly swallowed the lump in her throat. Her eyes stings upon seeing the letters and the photos. Naramdaman niya na lang ang maiinit na likidong lumalandas sa kanyang pisngi habang sinasalat ang mga iyon. 'Wow. Ilang taon na rin, pero masakit pa rin pala.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD