Chapter 2

1206 Words
Linggo bago ang tatlong araw na audition ay busy lahat ng estudyante sa Auxin. Lahat ng practice room at music room ay punuan. Napabuntong-hininga na lang si Saia nang makita ang mga punong classrooms. Mukhang kailangan niyang bumalik ng dorm. Ang problema ay walang keyboard doon at sira ang isang string ng kanyang gitara kaya malabong makapag-practice siya. Laglag ang balikat na lumabas na lang siya ng Music Room 1 at muling bumaba ng building. In house naman ang dorm nila kaya nilakad niya lang ito. Pagkarating sa kanilang kwarto ay nadatnan niyang nakabihis sina Ericka at Courtney. Kumunot ang noo niya. "Saan kayo pupunta?" tanong niya pa. Lumingon si Ericka habang si Courtney ay nakaharap lang sa salamin at nagkikilay. "Sa mall. Bibili akong bagong gitara. Gusto mo sumama?" Tipid lang siyang napangiti bagi umiling. "Tara na, Saia! Pagkatapos noon magpapa-spa tayo para magandang maganda tayo sa audition bukas!" si Courtney. Umiling muli siya. "Wag na. Wala akong pera," she honestly admitted. Nagkatinginan sina Ericka at Courtney bago sabay na tumingin sa kanya. "Libre ka namin!" sabay na salita ng mga ito. Bahagya siyang natawa at nailing. "Okay lang ako. Enjoy na lang kayo," pantataboy niya at humilata sa kanyang kama. Akala niya pumayag na ang dalawa ngunit nabigla na lamang siya nang hilahin siya nito pabangon. "Hoy ano ba!" reklamo niya na hindi pinansin ng mga ito. "Halika na kasi! Tsaka hindi naman kami magsha-shopping! Window shopping lang tas treat ka naming spa at food tara na!" pilit pa ni Courtney at kinaladkad siya papunta sa pintuan ng CR. Inabutan naman siya ni Ericka ng damit. "Go na, Saia!" taboy pa nito. Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumasok na lang sa loob. Tiningnan niya ang damit na binigay ni Courtney. Napabuntong-hininga na lang siya. Binigyan lang naman siya nito ng isang dress. Ni hindi siya masyadong nagdi- dress na! Napailing na lang siya at sinuot iyon. Inayos niya ang kanyang buhok sa maliit na salamin ng kanilang banyo dahil nakakahiya naman sa magandang dress na ito kung buhaghag at hindi presentable ang mukha niya. Nang makontento na siya sa kanyang ayos ay lumabas na siya ng banyo. Hinihila niya pa pababa ang dress dahil masyado siyang naiiklian doon. Pagkabukas niya ng pinto ay agad na sumalubong sa kanya ang namamangha mukha ng kanyang mga roommate. "Omg! You're so pretty! Lagyan kitang light make up!" excited na sambit ni Courtney at agad na ni-ready ang kanyang make up kit. Nanlaki naman ang mga mata ni Saia at agad na ihinarang ang dalawang kamay niya. "Wag na!" "Eh! Sige na please!" Nag-pout si Courtney kaya laglag ang balikat niyang tumango roon. Agad naman siyang hinila ng dalawa at pinaupo sa harap ng vanity ni Courtney. Napailing na lang siya at hinayaan si Courtney na gawin siyang barbie. ~***~ "Oh my god! Ang ganda ganda nito!" Agad na napailing si Saia nang makita ang tatlong bagong dress na inilagay ni Courtney sa cart nila. Nasa department store sila at sinasamahan si Courtney na mag-shopping. Halos mapuno na nga nito ang isang malaking cart. Halos lahat kasi ng nadadaanan nila ay may kinukuha ito. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig. Mahigit apat na oras na rin pala silang nasa mall. Matapos magpa-spa ay dumiretso na sila rito sa department store. Iginala ni Saia ang tingin sa buong store. Napangiti siya nang makita ang isang corner na napuno ng mga pink at cute na mga damit. Nilingon niya ang mga kasama at mukhang busy pa naman sila sa pamimili kaya nagtungo muna siya sa kids section. Pinasadahan niya ng tingin ang mga naka-hanger na mga damit. Napangiti siya. She suddenly remembers her childhood. Mahilig siyang magsuot ng mga ganoong damit noon. Palagi rin kasi siyang mini-make over-an ng mama niya noon. Napabuntong hininga na lang siya at isa isang tiningnan ang mga iyon. Ang ko-cute. Nilibot niya ang buong kids section na pambabae. Busy siya sa pagtingin sa mga cute na damit kaya hindi niya napansin ang kanyabg dinadaanan. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang bumangga sa kung ano. Agad niya iyong nilingon at nasapo niya ang kanyang bibig nang tao pala ang nabangga niya. "Tsk," ani ng lalaki at pinulot ang mga nahulog na dala. Mabilis na yumuki si Saia at tinulungan ito. "Sor-" Nag-hang ang kanyang sasabihin sana nang maaninag niya ang mukha nito. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa lalaking pumupulot ng mga medyas. Mabilis siyang lumunok at ibinaba ang kanyang mga hawak. Tumayo siya at nagmamadaling umalis doon. Narinig niya pa ang pagmumura ng lalaki pero hindi niya iyon pinansin. She just wants to get out there already! Tarantang naghanap siya ng ladies room at nang makapasok ay agad siyang nagkulong sa isang cubicle. Napasandal siya sa pinto ng cubicle. Kinalma niya ang kanyang sarili dahil halos lumabas na ang kanyang puso sa bilis ng t***k nito. 'Siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.' Nakagat niya kanyang labi at nasapo ang kanyang dibdib. How can she forget those built? Nag-mature lang ito, pero kilalang kilala niya pa rin iyon. Hindi siya maaaring magkamali. It's him. "Calm down, Saia. Hindi ka niya nakita," pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakakulong sa cubicle na iyon. Basta paglabas niya ay nadatnan niya sina Courtney at Ericka na aligagang aligaga. She suddenly feels guilty for ditching them. "Ericka, Courtney," kagat labing tawag niya sa mga ito. "Oh my god! Saia, saan ka ba galing!" Ericka exclaimed and goes to her immediately. Hinawakan siya ni Courtney sa braso. Ang dami nitong dalang plastics. Agad niyang kinuha ang iilan sa mga iyon. "S-Sorry. Nagkaproblema lang sa bahay. Nag-usap kami ni mama," palusot niya na hindi tinitingnan ang dalawa. "Tara na. Gabi na." Nauna pa siyang maglakad sa mga ito. Mas mabuti nang sarilihin niya na muna ang nakita. Hindi naman alam ng dalawa kung anong pinagdaanan niya. Walang may alam. Maski pamilya at mga tao sa school. Wala siyang mapagsasabihan kaya kahit mabigat sasarilihin niya. ~***~ Monday came. Kahit may klase ay mas excited pa ang mga estudyante sa magaganap na unang araw ng audition mamaya. Tinititigan ni Saia ang dalawa niyang kaibigang nagpapractice ng mga kakantahin mamaya. Napapailing na lang siya. Halos lahat ng classmates niya iyon ang ginagawa. Siya lang yata ang hindi. Napatitig siya sa kanyang notebook at nagsimulang mag-doodle. Bumalik na naman sa kanya ang nangyaro kagabi. Bumuntong-hininga siya at diniininan ang pagkakado-doodle. "Wow! Galing mo mag-doodle!" Muntik na siyang mapatalon nang sumulpot si Courtney sa harapan niya. "Courtney naman!" reklamo niya. Humagikhik ito. "Who's SN?" Agad niyang naisara ang notebook at napahawak sa kanyang dibdib. "Ano ba! Aatakihin ako sa inyo!" Tinawanan lang siya ng dalawa. Nasapo niya ang noo. "Hindi ka ba magpa-practice for later?" tanong pa ni Courtney at tumabi sa kanya. Huminga siya nang malalim at umiling. Agad na kumunot ang noo ni Ericka. "Huh? Bakit?" Nagkibit-balikat siya. "Sa third day na. Tatlong araw naman ang audition," sagot niya at niligpit ang mga gamit. Ngumuso si Courtney. "Bakit?" "Basta may gagawin ako," sabi niya na lang at isinilid na sa bag ang mga gamit niya. Tumayo na siya at sinukbit ang kanyang bag. "Saan ka pupunta?" Si Ericka. "May pupuntahan lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD