Nagkakagulo ang buong media hall ng ANH habang inaayos ang isang mataas na lamesa sa harap. Tinakpan iyon ng isang puting tela at nilagyan anim na mikropono. Bawat mikropono ay may nakalagay ring label.
Dee
Duke
Kiarra
Maena
Phil
Kein
Kanya-kanyang click ng camera ang mga cameraman habang nagsi-set up ang mga staff. Nasa halos sampung media outlets and nakaabang sa mga upuang nasa harap ng mahabang lamesa. Lahat sila gustong makakuha ng scoop tungkol sa pagka-cancel ng ANH sa lahat ng proyekto ng Lights Out.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang kanilang hinihintay. Isa isang pumasok ang mga miyembro ng Lights Out kasama ang ANH President na si Dee.
Umupo sila sa kanilang assigned seats at nag-pose pa sa iilang click ng camera.
Tumikhim si Dee bago itinapat ang mic sa kanyang bibig.
"Before we start this presscon, I would like to thank everyone for being here. Rest assured that this presscon will answer all of your questions and will put an end to every bad rumors there is. " Ngumiti ito bago nilayo ang mic sa kanya.
"For our first question, ABC Network," anunsyo ng kanilang prompter. Agad namang tumayo ang reporter sa naturang network.
"Good afternoon po, Miss Dee, Lights Out. Usap usapan po ang disbandment ng banda dahil daw sa pag cancel ng lahat ng kanilang mga proyekto ngayong taon. Ano po ang totoo at ano ang masasabi niyo sa balitang ito?"
Kinuha ni Duke ang kanyang mikropono at itinapat sa kanyang bibig.
"The disbandment rumors are not true. Lights Out is intact," maikling sabi nito. Tumango tango si Dee at siya naman ang kumuha ng mikropono.
"The reason why the agency cancelled all their projects is for them to focus on the agency's newest and biggest project that will run for a year. This will be the first time that everyone will hear this." Malaki ang ngiting tumayo si Dee.
Agad na nagtinginan ang mga cameraman at reporters.
"Ladies and gentlemen, ANH will be having a music camp and survival show to look for new talents that are exceptional." As if on cue ay bumaba ang nakalukot na tarpaulin sa kanilang likod.
Bumalandra ang poster ng music camp na naging dahilan para magkagulo ang mga cameraman sa pagkuha ng maganda at matinong picture.
Nakangising pinagmasdan ni Dee ang media bago tiningnan ang banda. Nakangiti sina Kiarra at Maena. Ang dalawang lalaki naman ay wala lang habang si Duke ay hindi maipinta ang mukha. Napailing na lang si Dee bago naglakad pabalik sa kanyang upuan. Agad ding bumalik sa kanilang mga pwesto ang media.
"Everyone, ANH is looking for fresh, new and exceptional talents. Pwedeng banda, solo, boy group o girl group. At since ang Lights Out ang aming pioneering group at sila ang nagdala ng ANH sa tuktok, nararapat lang na samahan nila kami sa pagpili ng kanilang magiging kasama sa agency. We believe that these wondeful people here has the eyes for passion and talent. Thus, they are going to be the judges and mentors for the survival show," nakangiting wika ni Dee.
"Miss Dee, paano po ang magiging mechanics ng show? Open for all po ba?" anang isang reporter. Bumuntong-hininga si Dee.
"The audition is open for all, but the survival show is for the chosen only. We will be partnering with the country's number one music school, Auxin Academy. For the past years, we have seen them produce great and amazing talents, thus ANH wants to manage those outstanding individual. Wala namang dapat ipag-alala ang mga hindi taga Auxin dahil magkakaroon pa ng audition ang mismong academy para sa kanilang mga studyante at mga aspiring students. From there, we will be picking the top 20 para makasama sa music camp. There will be a series of tasks to be evaluated by our judges. The top 20 will be cut into 10 to 5 and to 3. The location of the camp, other judges and further details shall be announced on the audition day at Auxin. Magiging covered ito ng media as a pre- camp episode." Muling ngumiti si Dee at nagbulong bulungan namana ang mga media.
Napuno ng mga tanong ang buong hall na agad din namang sinagot ng ANH.
~***~
Kumalat at naging trending ang anunsyo ng ANH tungkol sa kanilang survival show. Marami ang excited lalong lalo na ang mga estudyante sa Auxin Academy. Marami ang nagpost ng kagustuhang mag audition mula sa iba't ibang sulok ng bansa.
Kinabukasan pagkatapos ng anunsyo ng ANH ay agad na nagpost ang admin ng Auxin para kumpiramahin ang naturang partnership at ibigay ang buong guidelines ng audition na mangyayari sa makalawa.
"Omg! Mag-o-audition tayo, Ericka!" pumalahaw ang boses ng babaeng si Courtney sa buong cafeteria habang kausap ang kanyang kaibigan. Tumawa si Ericka.
"Oo naman! Ikaw, Saia? Sasali ka ha?" baling ni Ericka sa isa pang kaibigan.
Tipid na ngumiti lamang si Samiera Nadia. They often call her Saia, combination of her name. Bumuntong-hininga siya at tinitigan ang invitation ng audition next week.
Sinalat niya ang special paper hanggang sa dumapo ang daliri niya sa naka bold na pangalan.
Board of Judges:
Lights Out
Ilang minuto siyang napatitig doon. Inisa isa niya ang mga pangalang sumunod sa salitang iyon. Bawat basa niya sa mga pangalan ay mas lumalalim ang kanyang paghinga.
Bakit ganoon? When will they have an effect on her? At bakit kailangang makita niya muli ang mga ito? She just wants a normal life. Gusto niya lang namang maabot ang pangarap niya, para sa kanya, at para sa kanyang pamilya. Bakit ang hirap? Bakit ngayon pa kung kailan malapit na siyang makaahon at makapagbagong buhay?
Mapait siyang napalunok at bumuntong-hininga.
'Long time, no see.'
"Excited na akong makita si Duke! Sasama raw sila sa audition at sila mismo ang magsi-screen! Tapos pagka-cut off daw ng Top 20, iyong mga myembro ng Lights Out pipili ng mga imi-mentor nila!"
Bumuntong-hininga si Saia at tiningnan ang kaibigan. Halatang halata sa mga mukha ng mga ito ang excitement sa gaganaping audition. Kabaliktaran niya na kabadong kabado.
Ayaw niya nang ma-associate sa agency na iyon. Gusto niya lang maka-survive. Pero personal siyang nilapitan ng kanilang Music Coach para ibigay ang recommendation nitong mag-audition siya. Hindi siya makatanggi.
Isa pa, may allowance na matatanggap ang makakasali at magiging contestants. Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan at motibasyon niya. Mahirap lang sila. Kailangan niya ng pera. Nakapag-aral siya sa Auxin dahil sa isang full scholarship pero kahit ang allowance niya sa eskwelahan ay kulang na kulang para makatulong siya sa kanyang mga magulang. Kahit anong tipid niya, kulang pa rin.
Wala siyang balak pumasok sa ANH. Ito na nga yata ang pinakahuling agency na gusto niyang pasukan. Pero kung pagiging praktikal lang naman, ito na ang pinakamadaling paraan para magkapera siya.