Nakatulala si Saia habang nakatitig sa kawalan. "O, uminom ka muna nito," ani ng kanyang ina at binigyan siya ng tubig. Bumuntong-hininga siya at kinuha ang tubig at ininom iyon. "Si Nadie, nay nasaan po ba?" tanong niya sa ina. Bumuntong-hininga ang kanyang ina at saka tumabi sa kanya. "Nasa may plaza. Pinasyal ng pinsan mo. Wag kang mag-alala at alam naman ni Janice ang kondisyon ng anak mo." Sandaling tumigil ang nanay niya at tiningnan siya. "Tayo'y mag-usap nga, Samiera Nadia. Ilang taon ko nang gustong tanungin sa'yo. Ilang taon mo nang iniiwasan itong usaping ito." Agad na umusbong ang kaba sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang mga tingin ng ina niya. Nakagat niya ang kanyang labi at saka bumuga ng hininga. Nilingon niya ang kanyang ina. Huminga siya nang mal