Lahat ng tao may pangarap. Lahat ng tao may kani-kanilang gusto sa mga buhay. Lahat ng tao may gustong patunayan. Lahat ng tao may gustong maabot. Pero hindi lahat ng tao nakukuha ang mga iyon. Hindi lahat ay tinamaan ng swerte o di kaya'y biniyayaan na makamit ang kanilang mga pangarap. May ibang nakamit ang kanilang mga pangarap sa pagsisipag. May ibang sadyang sinwerte lang. May iba rin namang desperado na at handang gawin ang lahat makamit lang ang kanilang gusto, kahit na ang kapalit noon ay ang pagtapak sa isang tao. Sila iyong mga nabulag na ng ambisyon na handang umangat kahit na may sinasaktang iba. Iyon ang nangyari kay Saia. Iyon ang nangyari sa kanila noon. "Hmm. Tapos na ito!" masayang sambit ng 16 years old na si Saia at ipinapakita ang kanyang nabuong kanta sa dalawang