"Duke!" halos pumutok na ang litid ni Saia habang isinisigaw iyon. Malalaki ang mga hakbang na sinundan niya ito palabas ng hall. "Duke, ano ba!" inis na sigaw niya pero sadyang malalaki ang mga hakbang nito kaya hindi niya talaga ito maabutan. Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha at halos tumakbo na papunta kay Duke. Nilingon niya pa ang kanyang paligid para siguraduhing walang nakasunod na media. Pagkatapos kasi siyang ilaglag ni Duke ay nagkagulo sa buong hall at agad na tumakbo si Duke palabas. Bago pa man siya mapigilan ni Dee o ng kahit sino ay mabilis na rin siyang umalis doon at sinundan ito. Halos lumabas na ang kanyang puso sa sobrang paghaharumentado ng kanyang puso. Ibinuhos niya ang kanyang buong lakas at agad na tinakbo ang pagitan nila. Hinarang niya ito. T